Target ng China na mabakunahan ang 50 million nilang mamamayan mula sa kanilang naimbento rin na COVID-19 vaccines bago ang Lunar new year celebration sa buwan ng Pebrero.
Ito ang kinumpirma ni Tao Lina, isang vaccination expert at dating bahagi ng Shanghai Center for Disease Control and Prevention.
Una nang nagsagawa ang gobyerno ng conference call noong December 15 upang ilatag ang rollout plan sa pagbabakuna.
Aminado naman si Tao na depende pa rin ang implementasyon sa kondisyon sa “ground.”
Batay sa plano ng Chinese authorities uunahin nilang babakunahan laban sa coronavirus ang mga essential workers tulad ng medical at disease control professionals, customs at border inspection workers at nagtatrabaho sa food industry.
Mula pa noong buwan ng Hulyo, mahigit na sa isang milyon ang naturukan ng vaccine sa mga high-risk group sa ilalim ng emergency program.
Sa ngayon wala naman daw seryosong reaction sa mga nakabenipisyo.
Sinasabing limang mga vaccines mula sa mga kompaniya sa China ang sumasailalim din sa final phase sa clinical trials sa mahigit 10 mga bansa.