Ibinunyag ng Department of Health (DOH) na nasa 50 million pang Pilipino ang walang unang booster shot kontra COVID-19.
Ayon kay DOH officer-in-charge Ma Rosario Vergeire na kabuuang 26% pa lamang mula sa lahat ng eligible na makatanggap ng bakuna ang naturukan ng unang booster dose.
Kung iisipin aniya nasa 50 million katao sa bansa ang posibleng makapitan ng kritikal na sakit dahil sa covid-19.
Kung kayat, muling hinimok ng DOH ang publiko na eligible na magpabakuna na ng unang booster dose upang magkaroon ng dagdag na proteksiyon laban sa viral disease.
Layunin aniya ng pagbabakuna lalo na ang booster shots base na rin sa mga ebidensiya na bumababa ang immunity ng una at ikalawang bakuna.
Maliban pa sa dagdag na proteksiyong naibibigay ng booster shot ay napipigilan din nito na mapuno ng mga pasyente ang mga pagamutan sa bansa.