DAVAO CITY – Ibinunyag ng Department of Agriculture sa Davao Region (DA-Davao) na naka-export na ang nasabing ahensya ng mahigit 200,000 kilo ng durian sa China mula noong Abril 6, 2023.
Ayon kay DA-Davao regional director Abel Monteagudo, bineberipika pa nila ang export sales ng nasabing prutas pero nilinaw din niya na nasa P100 hanggang P200 ang retail price ng mga exported durians.
Maaaring pansanmantalang matigil ang mga aktibidad sa pag-export dahil malapit na ang off-season ng mga durians sa Davao ngunit plano parin ng tanggapan na ibalik sa Agosto ngayong taon ang pag-export sa 200,000 kilo.
Bukod pa riyan, karamihan sa unang batch ng exportation ay mula sa Davao City ngunit ang pangalawang batch ay magmumula sa iba’t ibang farm sa labas ng Davao City kung saan 20 sa 50 farm associations ang qualified para sa unang batch ng accreditation.