-- Advertisements --

Tinatayang aabot sa mahigit 50 kabahayan ang naapektuhan ng sunog na naganap sa Brgy. Pulvorista sa Kawit, Cavite .

Ito ang kinumpirma ng pamunuan ng Bureau of Fire Protection.

Ayon sa mga residente sa lugar, nagsimulang sumiklab ang apoy bandang alas-12 ng madaling araw.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago ito tulyang naapula ng BFP-Kawit.

Tuluyan itong idineklarang fire out ng BFP alas 3:51 ng madaling araw habang wala namang naiulat na nasugatan at nasawi sa naturang insidente.

Lahat ng mga kabahayan sa naturang lugar ay gawa sa light materials.

Nahirapan ring pumasok ang mga bumbero dahil sa mga kawad ng kuryente sa lugar.

Patuloy naman inaalama ng BFP ang sanhi ng sunog at kung magkanong halaga ang napinsala nito