-- Advertisements --

ascotf3

Kinumpirma ng PNP Administrative Support to Covid-19 Task Force (ASCOTF) na nasa mahigit 50.66% o 112,829 na sa kanilang personnel sa buong bansa ang fully vaccinated as of September 9,2021 mula sa kabuuang pwersa nito na nasa 222,701.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay PNP ASCOTF Commander at The Deputy Chief for Administration (TDCA) Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, kaniyang sinabi isang magandang development na makamit ang higit 50% sa kanilang personnel ang nabakunahan na ng Covid-19 vaccine.

Ayon sa Heneral, batay sa datos ng PNP Health Service nasa 42.96% o 95,675 ang nabakunahan na rin ng first dose.

Sinabi ni Vera Cruz, patuloy ang ginagawa nilang paghikayat sa 6.37% o 14,197 police personnel na magpa bakuna na ng sa gayon magkaroon ng proteksiyon laban sa nakamamatay na virus.

Ayon sa Heneral, sa ngayon nasa 288,347 Covid-19 vaccines na ang na-administered sa PNP nationwide.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagbabakuna sa ibat-ibang regional police offices.

” Isang napakagandang development sa PNP na more than 50% na sa aming hanay ay fully vaccinated na. Sa karanasan ng ilang mga PROs, yung mga fully vaccinated personnel nila na nagpositive sa Covid-19 ay either asymptomatic or mild cases lang kaya aming patuloy na hinihikayat na magpa bakuna ang aming mga ibang kasamahan na walang medical condition na hanggang ngayopn ay ayaw pa din magpa bakuna,” mensahe ni Lt Gen. Vera Cruz sa Bombo Radyo.

Bukod sa pagpapabakuna ng Covid-19 vaccine, patuloy na hinihimok ng PNP ang kanilang personnel na magpa bakuna din ng Flu at Pneumonia vaccine.

Samantala bumaba naman ang bilang ng naitalang bagong Covid-19 cases ngayong araw na nasa 271 kumpara kahapon na sumampa ito sa mahigit 400.

Sa ngayon nasa 2,579 ang total active cases sa PNP at walang naiulat na nasawi.

Nakapagtala din ang PNP ng 191 new recoveries ngayong araw.

Patuloy namang pina-lalahanan ni Lt Gen. Vera Cruz ang mga kapulisan na striktong sundin ang Minimum Public Health Standard para maiwasan na mahawahan ng virus lalo na ang Delta variant.