-- Advertisements --
phreatic eruption mayon
Mayon volcano in Albay (file photo)

LEGAZPI CITY – Magpapalipas ng Pasko sa evacuation centers ang nasa 50 pamilya mula sa dalawang barangays sa Guinobatan, Albay dahil hindi na pinayagan ng lokal na pamahalaan na bumalik pa ang mga ito sa kanilang tahanan.

Ito ay matapos matabunan ng lahar ang kanilang mga bahay sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Tisoy noong Disyembre 2.

Ayon kay Mayor Gemma Onjoco sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, mapanganib para sa mga residente na bumalik pa sa kanilang tahanan na nasa Mayon unit area kaya pansamantalang nanunuluyan ngayon sa evacuation center ang nasa 38 pamilya mula sa Barangay San Francisco at 12 pamilya mula sa Barangay Travesia.

Dagdag pa nito na hindi pa nahuhukay hanggang sa ngayon ang bahay ng naturang mga residente.

Sa kabila nito, siniguro ng alkalde na nagpapatuloy ang pagpapaabot ng lokal na pamahalaan at mga non-government organization ng relief assistance sa mga ito.

Nabatid na nagkaroon pa ni Christmas party ang mga ito sa kanilang barangay upang maghatid ng kasiyahan sa mga apektadong residente.