LEGAZPI CITY – Nananatili pa sa evacuation center ang ilang pamilya mula sa Brgy. Matayum, Cataingan, Masbate, mag-iisang buwan matapos ang pagyanig ng magnitude 6.6 na indol sa island province.
Ayon kay Mayor Felipe Cabataña sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, nasa 50 pamilya ang apektado ng pagpasok ng tubig-dagat sa naturang barangay na dulot ng liquefaction sa lindol.
Dahil sa pagbaba ng bahagi ng lupa, pinasok ng tubig ang ilang kabahayan habang ang iba naman ay hindi madaanan dahil sa pagtaas ng tubig.
Upang masiguro ang seguridad ng mga residente, naghanap na ng lugar ang barangay na magsisilbing permanent relocation site ng mga ito.
Samantala, sa ibang lugar sa naturang bayan naman ay unti-unti nang bumabalik sa normal ang buhay ng mga residente.
Ginamit ng mga residente sa muling pagbangon ang tulong mula sa mga pribadong kumpanya atgovernment agencies.