-- Advertisements --
50 katao ang nasawi sa malakas na pag-ulan at pagbaha sa Ghor province sa Afghanistan ayon sa Afghan Ministry of Refugees.
2,000 kabahayan din ang nasira nang tuluyan habang 4,000 naman ang bahagyang nasira dahil sa naturang pagbaha.
Dagdag pa ng ministry, daan-daang ektaryang pang-agrikultura, tulay, culverts, dams, at libo-libong mga puno rin ang nasira.
Noong nakaraang linggo lang 315 naman ang nasawi sa flash floods sa Northern Afghanistan at 1,600 naman ang naitalang nasugatan.
Ang Afghanistan ay kinokonsidera ng United Nations bilang isa sa pinaka-vulnerable na bansa sa climate change.