-- Advertisements --
Nasa 50 katao ang patay matapos ang pagsabog ng oil tanker sa central Nigeria.
Nangyari ang insidente nang lapitan ng mga tao para kumuha ng langis sa natumbang truck na may kargang langis sa Ahumbe village sa Benue State.
Posibleng tumaas pa ang bilang ng mga nasawi dahil maraming mga malubang nasugatan ang itinakbo sa pagamutan.
Maging ang mga katabing establisyemento ay nasunog dahil sa malakas na pagsabog.