-- Advertisements --

Patay ang 50 katao matapos ang naganap na suicide bombing sa isang mosque sa Kunduz city, Afghanistan.

Aabot din sa 100 katao ang sugatan sa mosque na ginagamit ng mga Shia Muslim community.

Walang grupo naman ang umaako sa nasabing pagsabog.

Malaki rin ang hinala ng mga otoridad na ISIS-K na umano’y ang Afghan regional affiliate ng Islamic State group na komokontra sa pamumuno ng Taliban sa Afghanistan ang nasa likod ng panibagong karahasan dahil sila rin ang nagpagsabog noong nakaraang mga linggo.