Naniniwala si PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa na dahil sa mga isinagawang mass testing at early detection ay naging malaking tulong sa mataas na recovery rate ng PNP na nasa 50 percent.
Ang pahayag ni Gamboa ay matapos iulat ni Health Service director Brig. Gen Herminio Tadeo Jr. na nasa 176 police personnel ang nakarekober mula sa 346 COVID-19 confirmed cases, o nasa 50.86 percent.
Sinabi ni Gamboa, ang kanilang mass-testing at intensified contact tracing, ang nagbigay daan sa maagang isolation at “treatment” ng mga COVID cases sa kanilang hanay.
Kamakailan lang ay nagsimula nang mag-operate ng sariling COVID testing facility ang PNP sa loob ng crime lab sa Camp Crame na certified ng Research Institute for Tropical Medicine at DOH para magsagawa ng Reverse Transcription – Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test.
Samantala, ayon kay PNP spokesperson Brig Gen Bernard Banac, sa bilang ng kanilang confirmed COVID cases na hindi pa fully recovered, 148 na pasyente ang nasa quarantine facilities, dalawa ang nasa ospital at 16 ang sumasailalim sa home quarantine.