-- Advertisements --

ILOILO CITY – Isinailalim sa RT-PCR test ang lahat ng mga personnel ng La Paz Police Station sa Iloilo City matapos nagpositibo sa COVID-19 ang tatlong mga pulis at tatlong preso.

Sa ekskusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Major Edfil Balibadlan, hepe ng La Paz Police Station, sinabi nito na 50 mga personnel ng kanilang istasyon ang isinailalim sa swab test.

Ayon kay Balibadlan, sila mismo ang humiling sa COVID-19 team ng Iloilo City Government na kunan ng swab sample upang malaman kung nahawa ang mga ito ng virus.

Naniniwala naman ng hepe na nahawaan ng COVID-19 ang mga pulis dahil sa pakikihalubilo sa mga tao sa labas ng police station.