Posibleng papalo raw sa 50 katao ang namatay sa Kentucky pa lamang dahil sa tornadoes na tumama sa ilang bahagi ng central at southern US.
Ayon kay Kentucky Governor Andrew Graham Beshear, pinangangambahan daw sa ngayon na lalagpas pa sa 50 ang mga namatay sa tinaguriang isa sa mga “toughest nights” sa Kentucky history.
Una rito, nasa 30 tornadoes ang nai-report sa anim na states.
May lawak ang mga itong 200 miles mula Arkansas hanggang Kentucky.
Isa raw sa mga pinakanapinsala ang sites sa southwestern Kentucky city ng Mayfield.
Tumama ang Tornado sa candle factory Biyernes ng gabi habang nasa 110 katao ang nasa loob.
“We believe we’ll lose at least dozens of those individuals,”ani Beshear.
Kita sa mga lumabas na videos mula sa Mayfield ang massive debris field, twisted metals na ilang talampakan ang taas.
Sa pagtaman ng mga tornadoes, dalawa na ang namatay sa Arkansas at isa sa Mississippi.
Sa Tennessee, maraming mga gusali ang nasira at na-trap na mga tao.
Habang sa Illinois naman, nasira ang Amazon warehouse dahil sa lakas ng ulan at hangin.
Bagamat wala pang nakumpirmang mga nasawi sa ngayon sa nasabing estado.
Ang mga buhawi ay naiulat sa Arkansas, Missouri, Tennessee, Kentucky at Illinois ayon sa Storm Prediction Center ng National Oceanic at Atmospheric Administration.
Sa pangkalahatan, mahigit 55 milyong katao sa buong bansa ang nasa panganib para sa matitinding bagyo.
Sa ngayon, hindi bababa sa 157,000 customer ang nawalan ng kuryente sa anim na estado. (CNN)