Nasa 50 katao ang pinangangambahang namatay matapos ang pagguho ng isang minahan ng ginto sa Democratic Republic of Congo kasunod ng naranasang malakas na pag-ulan.
Nangyari ang aksidente sa makeshift na minahan noong Biyernes sa bayan ng Kamitugam sa lalawigan ng South Kivu.
Ayon kay provincial governor Theo Ngwabidje Kasi, karamihan umano sa mga binawian ng buhay ay pawang mga kabataan.
Pero sinabi naman ni Kamituga mayor Alexandre Bundya, hindi pa raw nila matiyak sa ngayon ang eksaktong bilang ng mga biktima.
Sinisi rin ni Bundya ang paglambot ng lupa dahil sa masungit na lagay ng panahon kaya nangyari ang trahedya.
Kasabay nito, ipinag-utos ng alkalde ang dalawang araw na mourning period at nanawagan sa mga lokal na residente na tumulong na rin sa pagrekober ng mga bangkay. (AFP)