-- Advertisements --
Nakatakdang umuwi sa bansa ang 50 Filipinos na nasa Israel.
Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) officer in charge Hans Leo Cacdac ang mga ito ay darating sa bansa sa Mayo 9.
Paglilinaw nito na ang mga Filipino na uuwi ay nagpahayag ng intention ng repatration bago pa lamang ang pag-atake ng Iran nitong nakaraang Sabado.
Lagi aniya silang bukas sa mga overseas Filipino workers na nais magparepatriate dahil sa kaguluhan sa Gitnang Silangan.
Noong nakaraang taon pa ay mayroon ng mga Filipino ang napauwi mula sa Israel.
Kasalukuyang nasa Alert Level 2 na ang Israel kaya patuloy ang pag-hihikayat ng DMW sa mga Filipino doon na kung maari ay kanilang samantahalin ang repatriation program ng gobyerno.