-- Advertisements --
CDM

Kinumpirma ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na magdedeploy sila ng mga human rights officer sa mga lugar kung saan may mga kilos protesta.

Ayon sa PNP nasa 30 hanggang 50 na mga tauhan ng PNP Human Rights Affairs Office (HRAO) ang kanilang ipapakalat bukas, Lunes July 22,2019.

Ayon kay Police Brig. Gen. Dennis Siervo, hepe ng PNP-Human Rights Affairs Office (HRAO), na ang 50 police officers ang siyang magsisilbing mediator kapag nagkagirian ang mga pulis at rallyista.

Tiniyak naman ni Siervo na mahigpit susundin ng mga pulis ang kanilang operational procedures partikular ang seguridad na ipapatupad sa SONA.

Bago pa ang deployment ng mga pulis at CDM (Civil Disturbance Management) magkakaroon muna ang mga ito ng briefing at debriefing.

Ayon pa kay Siervo makikita agad ang presensiya ng mga HRAO personnel dahil nakasuot ang mga ito ng green neon vests na may naka imprenta na “human rights officers”.

Binigyang-diin naman ni PNP chief PGen. Oscar Albayalde na maximum tolerance ang ipapatupad ng mga pulis laban sa mga rallyista.

Ikinatuwa naman ng Commission on Human Rights (CHR)ang nasabing hakbang ng PNP.