-- Advertisements --

Nakatakdang palayain ang karagdagang 50 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ayon sa Bureau of Corrections.

Sa isang statement, sinabi ng BuCor na sumailalim muna ang mga PDLs sa pre-release program na isinagawa noong Marso 10.

Ito ay isa sa mga programa sa ilalim ng External Affairs Section (EAS) kung saan kailangan ito para magsagawa ng lectures hinggil sa personality development.

Ilan sa mga isinagawang lectures ay may kaugnayan sa depression, conflicts at frustrations.

Makakatulong ito para mahasa ang kanilang kumpiyansa sa sarili at mental na aspekto bilang paghahanda sa kanilang paglaya pabalik sa komunidad.

Noong nakalipas na taon, nasa kabuuang 4,610 ang kwalipikadong PDLs ang pinalaya mula sa 7 prison facilities sa buong bansa.