-- Advertisements --

Estomo

Nanumpa na sa pwesto ang nasa 50 pulis na recruit ng PNP – Anti Kidnapping Group (AKG).

Pinangunahan ni AKG Director Police B/Gen. Jonnel Estomo ang oathtaking ng mga pulis na isinagawa sa parade ground sa Camp Crame.

Sinabi ni Estomo, sa nasabing bilang 42 ay lalaki at walo naman ang babae.

Binigyang-diin ng opisyal, dumaan sa matinding proseso at validation ang mga aplikante.

Aniya, sa 143 ang applicant 50 lamang ang qualified para maging bahagi ng kanilang unit.

Kabilang sa kanilang ipinasa ang: Physical Agility Test, Psychological/Psychiatric Examination, Drug Test at iba pa.

Sa ngayon, temporary muna ang status ng mga pulis.

akg2

Ayon naman kay PNP AKG Spokesperson Maj. Rannie Lumactod, ipinadala muna sa Canlubang, Laguna ang 50 bagong miyembro ng AKG para umailalim sa anim na buwan Field Training.