-- Advertisements --

ILOILO CITY – Maaaring masibak sa serbisyo ang nasa 50 pulis sa Iloilo dahil sa abandonment of post kasabay ng isinagawang nationwide transport strike nitong Lunes.

Ito ay kasunod sa isinagawang inspection ni Iloilo Police Provincial Office Director, Police Col. Roland Vilela sa mga police station na hindi nakapasa ng report kaugnay sa tigil-pasada sa kanilang area of jusrisdiction.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Vilela, sinabi nito na mayroong 24 oras lamang ang mga pulis upang magpaliwanag kung bakit wala sila sa kanilang duty.

Ayon kay Vilela, kabilang sa mga pulis na dapat magpaliwanag ay sina Police Major NiƱo Leonard Amar, hepe ng Pavia Municipal Police Station at Police Liutenant Joebert Amado, hepe ng Cabatuan Municipal Police Station na naka on leave.

Inihayag ni Vilela na hindi pinapayagan na lumiban o mag leave ang isang pulis kapag naka high alert status ang buong hanay ng Philippine National Police.

Maliban sa dalawang hepe, kailangan ring magpalinawag ang 11 pulis mula sa San Miguel; siyam sa Maasin at Cabatuan; lima sa Oton at 16 sa Pavia Municipal Police Station.