-- Advertisements --

VIGAN CITY – Mahigit sa 70 umano sa mga direct contact ng dalawang confirmed cases ng coronavirus disease 2019 sa Saudi Arabia ang isinailalim sa quarantine procedures.

Ito ang kinumpirma sa Bombo Radyo Vigan ni Bombo international correspondent Lia Grey na tubong- Lidlidda, Ilocos Sur ngunit nagtatrabaho bilang head nurse sa Royal Medical Complex sa Dammam, Saudi Arabia.

Ayon kay Grey, mula umano sa nasabing bilang, 50 ang cleared sa isinagawang tests sa kanila kaugnay sa nasabing sakit samantalang ang higit sa 20 ay isinailalim sa mas mahigpit na quarantine o isolation procedures.

Maliban pa rito, kinumpirma rin nito na nasa isang ospital umano sa Dammam naka-confine at sumasailalim sa treatment ang dalawang kaso ng COVID sa Saudi Arabia ngunit hindi ito sinasabi sa media ng Saudi government upang hindi mag-panic ang mga tao.

Sa ngayon umano, normal pa ang suplay ng face masks, alcohol at sanitizers sa nasabing bansa hindi kagaya ng ibang bansa na nagkakaubusan na sa suplay ng mga nasabing produkto.