CENTRAL MINDANAO – Isinailalim sa programang deradicalization ng militar ang aabot sa 50 mga opisyal at miyembro ng New People’s Army (NPA) sa probinsya ng Cotabato.
Ito ay pinangunahan ng 1002nd Brigade Philippine Army sa pamumuno ni Brig. Gen. Potenciano Camba.
Ayon kay Camba, ang 15-day deradicalization seminar ay nakatutok sa mga aktibidad upang iproseso ang mga dating rebelde na tuluyan nang talikuran ang kilusan at rebolusyonaryong pag-iisip.
Paraan ito upang madaling haraping ng mga dating rebelde ang main stream society kasabay ng pagtanggap ng karagdagang tulong mula pamahalaan kabilang na ang pagbibigay ng trabaho sa mga ito.
Layunin din programa na maiwasan na muling maimpluwensiyahan ng komunistang idolohiya ang mga sumukong rebelde na ngayon ay nagsisimula na ng panibagong buhay.
Dagdag pa ni Camba, karamihan sa mga dating NPA rebels na sumailalim sa deradicalization program ay nagmula sa segundo distrito.
Nabatid na nito ring unang linggo ng Mayo, abot din sa 50 mga former rebels ang nagtapos sa nasabing aktibidad.