Inihihirit ng isang mambabatas sa Department of Transportation (DOTR) ang pansamantalang pag tapyas ng nasa 50 percent sa cargo at passenger terminal fees na tsina-charged sa mga seaport at airport.
Ayon kay Ang Probinsiyano Party-list at Deputy Majority Leader Rep. Alfred Delos Santos layon ng kaniyang panawagan na bawasan ang pagtaas ng presyo lalo na sa mga pagkain.
Magugunita na tinaasan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang kanilang lending policy rates ng halos kalahating porsiyento bilang tugon sa naranasang inflation.
Hiniling din ni Rep. Delos Santos Bureau of Customs (BOC) na pansamantalang suspindihin din ang cargo fee rates.
Panawagan din ng mambabatas sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na bigyan ang mga bangko at credit card companies ng regulatory relief sa kanilang credit card receivables kapalit ng pagtaas ng interest payment rates sa credit cards.
Sinabi ni Delos Santos na nakakatulong kasi ang regulatory relief sa pagbaba ng administrative at financial transaction costs.
Ayon pa sa Chairman ng House Committee on Globalization na dapat hikayatin din ng BSP ang pagtapyas sa ATM transaction costs at tulungan ang Landbank, OFW Bank, Veterans Bank na palawakin ang kanilang ATM network upang hindi na magbayad ng mas mataas na ATM charges ang mga kliyente lalo kapag ATMs ng ibang bangko ang kanilang ginagamit.
Aniya, mahalaga ang aksiyon ng Bangko Sentral upang mapahina ang inflation lalo na sa mga probinsiya. Malakas kasi ng tama ng inflation sa mga mahihirap nating mga kababayan na nasa probinsya.
Naniniwala ang Kongresista na sa pamamagitan ng calibrated na pagtaas ng BSP lending rates, nababawasan ang sobrang perang pinaiikot ng mga malalaking negosyo sa money supply at ang makikinabang dito ang mga mas maliit na mga negosyo at mga pamilyang Pilipino.
“Another good impact of the BSP rate hikes is they helped keep the peso from depreciating too much against the US dollar. There was a real danger of the forex rate having a steep rise to P56 – P57 against the US dollar. That would have been disastrous to many industries including the high-employment contributors like the ecozones and industrial estates and others that export high-import content goods,” pahayag ni Rep. Delos Santos.