Inanunsyo na ng malaking entertainment company sa Amerika na ang komedyanteng si Melissa McCarthy ang napling gumanap bilang
si Ursula.
Ito’y para sa kumpirmadong live-action remake ng animated film na “The Little Mermaid” kung saan si Ursula ang main antagonist o kontrabida.
Kabilang pa sa mga naging pelikula ng 50-year-old comedienne/writer/producer/fashion designer ay ang “Bridesmaids,” “Identity Thief,” “Tammy,” “The Boss,” “Life of the Party,” at iba pa.
Una nang naiulat na ang 20-year-old singer na si Halle Bailey ang gaganap bilang si Ariel.
Bida rin sina Jonah Hauer-King bilang Prince Eric , at Javier Bardem bilang King Triton.
Nariyan din ang “Hamilton” star na si Daveed Diggs sa karakter ni Sebastian, Jacob Tremblay bilang si Flounder, at “Crazy Rich Asians” star Awkwafina bilang si Scuttle.
Noong 2016 nang unang maging usap-usapan na magkakaroon ng
live action version ng “The Little Mermaid” at taong 2018 nang magkumpirma si Direk Rob Marshall.