Bahagyang mas mataas ang pinakahuling naitala ng Department of Health (DOH) na bagong nadagdag na dinapuan ng coronavirus sa bansa.
Umabot kasi sa 500 ang panibagong tinamaan ng COVID-19, habang nitong nakalipas na Martes mahigit na 400 cases.
Sa kabuuan ang mga dinapuan ng virus mula noong nakaraang taon ay umaabot nasa 2,833,038.
Meron namang naitalang bagong gumaling na umaabot sa 951.
Ang mga nakarekober sa bansa ay umabot na sa 2,768,999.
May mga nagpapagaling pa rin na mga pasyente na nasa 15,327.
Ang naturang bilang na mga active cases ang pinakamababa mula Hunyo ng nakalipas na taon.
Samantala balik sa mahigit 100 ang nadagdag na nasawi dahil sa deadly virus matapos iulat ng DOH ang 167 na mga pumanaw.
Ang death toll sa Pilipinas ay umaabot na sa 48,712.
Mayroon namang tatlong laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
“9 duplicates were removed from the total case count. Of these, 8 are recoveries. In addition, 187 cases were found to have tested negative and have been removed from the total case count. Of these, 186 are recoveries. Moreover, 147 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation. 2 labs were not operational on November 29, 2021 while 3 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS). Based on data in the last 14 days, the 5 labs contribute, on average, 1.5% of samples tested and 1.0% of positive individuals,” bahagi ng DOH advisory.