-- Advertisements --
DAVAO CITY – Sunod-sunod na nagsidatingan sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang grupo ng mga investors ng kontrobersiyal na investment scam sa Davao del Norte.
Batay sa pahayag ng CIDG Region 11, ang naturang mga investors ay nagmula sa Rigen Marketing Tagum branch at Samal Branch na nagnanais magsampa ng kaso laban sa CEO at mga branch manager ng naturang investment scam.
Inihayag ng lider nito na nasa tinatayang 5,000 mga investors ang nais magsasampa ng kaso.
Bago ito, ilang sinasabing ahente o may kaugnayan sa mga investment scam sa Davao del Norte ang binaril at napatay kung saan ang iba ay nadamay lamang sa pagtatago ng kanilang kaanak.