-- Advertisements --
image 36

Inaasahang nasa 500,000 trabaho ang malilikha mula sa nakuhang investment pledge ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa ride-hailing service na Grab.

Ito ang kinumpirma ni Communications Secretary Cheloy Garafil kasunod ng pakikipagpulong ng Pangulo sa mga opisyal ng Grab Holdings Inc. sa Malacañang.

Sinabi pa ni Grab CEO at co-founder Anthony Tan na kailangang humanap ng paraan ng motorcycle taxis ng Grab kung paano makalikha ng trabaho hindi lamang sa Manila subalit gayundin sa Davao, Cebu at Iloilo.

Sinabi din ni Garafil na tinalakay din ni Tan ang rekomendasyon ng kompaniya sa posibleng hakbang para sa modernisasyon ng transportasyon sa bansa.

Ayon naman sa pangulo, nagawang mapababa ang unemployment rate sa bansa kung saan nasa humigit kumulang 2 million trabaho ang nalikha mula ng umupo sa pwesto.

Una rito, nagpasa ang kongreso ng isang batas para sa paglikha ng patakaran para sa motorcycle taxis o para sa 2-wheel side matapos na i-adopt ng bansa ang isang batas para sa 4-wheel transport.

Ilang mga panukalang batas na rin ang isinulong para ma-regulate at ma-legalize ang operasyon ng motorcycle taxis bilang public utility vehicles para matiyak ang seguridad at proteksiyin ng mga mananakay.