-- Advertisements --

Nasa kalahating milyong residente ng Oregon ang pinalikas dahil sa tumitinding wildfire sa US West Coast.

Pumalo na kasi sa halos 20 katao na ang nasawi at ilang libong kabahayan na ang natupok ng apoy.

Naging matinding tinamaan dito ang southern Oregon kung saan halos sa kahabaan ng Highway 99 south ng Medford hanggang Phoenix at Talent ay umabot ang sunog.

Patuloy pa rin ang panawagan ng Office of Emergency Management sa Oregon sa mga residenteng malapit sa sunog na lumikas na agad.

Nagtulong-tulong na rin ang mga search and rescue team at tignan kung mayroon pang mga naipit sa nasabing pagkakasunog ng kanilang mga bahay.