-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nasa 500 loose firearms ang isinuko ng iba’t ibang indibidwal sa Misamis Occidental Police Office.

Ito ang kinumpirma ni Provincial Police Director Police Lt. Col. Danildo Tumanda sa panayam ng Bombo Radyo Cagayan de Oro.

Sinabi ni Tumanda na 16 sa 452 na mga isinukong loose firearmas ay nanggaling sa mga incumbent politicians sa naturang lugar.

Pinuri naman ni Tumanda ang kooperasyon ng mga opisyal at residente sa Clarin, Lopez Jaena, Oroquieta at Calamba, na sumuporta sa kanilang kampanya laban sa mga loose firearms ngayong panahon ng Commission on Elections gun ban.