Ikinalugod ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang alokasyon na $500-million Foreign Military Financing (FMF) na gagamitin para sa kanilang modernization program.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Padilla, malaking tulong ang nasabing alokasyon para mapalakas pa ang kapabilidad ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at maging ng Philippine Coast Guard.
Dagdag pa ni Padilla, makakatulong din ito na epektibo nilang magampanan ang kanilang territorial defense mission.
Makaka contribute din ito sa regional security at pag mantini sa isang libre at bukas na Indo-Pacific.
Kahapon sa isinagawang PH-US 2+2 meeting inanunsiyo ni US Secretary of State Anthony Blinken na magbibigay ng pondo ang Amerika para sa modernization program ng AFP at PCG.