Inaprubahan ng Asian Development Bank (ADB) ang aabot sa $500 million policy-based loan ng Pilipinas.
Ito ay gagamitin bilang karagdagang pondo ng gobyerno sa pagtugon sa mga kalamidad partikular na sa panahon ng health-related emergencies.
Ayon sa ADB, ang pondo ay susuporta sa resiliency ng bansa at magpapabilis sa pagtugon nito sa panahon ng kalamidad at maging sa mabilis na pagsasagawa ng mga recovery efforts.
Binigyang diin pa nito na ang Pilipinas ay madalas na nakararanas ng mga insidente ng pagyanig, volcanic eruptions, bagyo, pagtaas ng sea levels at pagbaha.
Aniya , sa pamamagitan ng programang ito , mapapalakas nito ang kapasidad ng bansa para sa disaster risk reduction and management maging nasyonal at lokal na lebel.
Batay sa World Risk Report 2024, ang Pilipinas ay kabilang sa pinakamataas na risk pagdating sa kalamidad mula sa 193 economies noong nakalipas na taon.