CAUAYAN CITY-Pagtutuunan ng pansin ng Cauayan City Nutrition Office ang kalusugan ng mga bata sa kanilang ika-46th na anibersaryo ng National Nutirition Month.
Ito ay may temang “Batang Pinoy SANA TALL… Iwas stunting, SAMA ALL!” .
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Gng. Maryjane Yadao, pinuno ng City Nutrition Office na layunin ng pagdiriwang na isulong ang mga aktibidad na dapat gawin upang maging matangkad at malusog ang mga batang pinoy sa mga darating na panahon.
Isa anya sa kanilang nais bigyang pansin ay upang maging malusog ang may mga batang kulang sa nutrisyon.
Isusulong din nila ang breast feeding o pagpapasuso ng ina mula sa pagkapanganak pa lamang ng sanggol hanggang sa anim buwan.
Maari anyang ipagpatuloy ang na breastfeeding mula anim na buwan hanggang dalawang taon habang binibigyan ito ng kompletong pagkain.
Anya ang first 1,000 days ay hindi lang sa breast feeding kundi pati na ang unang araw ng pagbubuntis hanggang sa dalawang taon upang maihanda ang katawan ng bata na maging malusog at hindi magiging bansot.
Mas marami ring oportunidad ang batang matangkad kumpara sa batang maliit.
Hindi rin anya totoo na nasa genes o lahi nakukuha o namama ang tangkad kundi dahil ito sa epekto ng kinakain na nagbibigay ng tamang nutrisyon para sa tamang timbang at tamang tangkad.
Bahagi din ng pagdiriwang ng National Nutirition Month ang kanilang pamamahagi ng tsinelas sa mga batang 500 na kinukunsiderang makabagong proyekto ng kanilang tanggapan.
Pangunahing mabibigyan dito ang mga indigent underweight at severely under weight pre-school children na pinili ng kanilang tanggapan.
Mayroon anya silang nakikitang mga batang walang suot na tsinelas na isa sa pinaka-mahalagang suot ng isang bata.