-- Advertisements --

erwin

Nasa 500 pamilya o nasa 1,500 indibidwal ang apektado ng pagbaha dulot ng walang tigil na pag ulan sa Banaue, Ifugao.

Sa ulat ng NDRRMC, anim na barangays ang lubog ngayon sa baha.

Tatlong daan naman ang hindi passable.

Isang bahay din ang napaulat na totally damaged.

Samantala, nakapamahagi na ang DSWD ng 500 family food packs na nagkakahalaga ng P339,375 sa mga apektadong residente.

Pinulong ni Secretary Erwin Tulfo ang mga kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office CAR sa pamumuno ni Regional Director Arnel Garcia upang mabigyan siya ng impormasyon hinggil sa nangyaring flash flood at pagbaha sa Banaue, Ifugao at upang malaman ang mga tulong na naipahatid sa mga naapektuhang bayan.

Muling ipinaalala ni Secretary Tulfo na nais niyang iparamdam sa ating mga kababayan na ang DSWD ay laging nariyan upang maghatid ng maagap at mapagkalingang serbisyo kahit na sa panahon ng kalamidad at sakuna.

Siniguro ng kalihim ang tulong sa mga apektadong pamilya.