-- Advertisements --
250px Ph locator maguindanao parang

CENTRAL MINDANAO- Sinuspende ang klase sa tatlong paaralan sa lalawigan ng Maguindanao sa sumiklab na bakbakan ng dalawang armadong pamilya.

Ayon kay 602nd Brigade Commander,Bregadier General Alfredo Rosario na nagkasagupa ang dalawang Field Commander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Brgy Dungguan Datu Montawal Maguindanao.

Ang dalawang grupo ay may personal na alitan sa kanilang pamilya dahil sa agawan sa lupa.

Umaabot na sa 500 pamilya ang lumikas dahil sa takot na maipit sa naglalabang mga armadong grupo.

Sinuspende rin ang klase ng mga mag-aaral sa Balogo Elementary School at Matalam Farm Resettlement Elementary School sa Brgy Dungguan Datu Montawal habang suspindedo rin ang klase sa Mamalimping Elementary School sa bayan ng Pagalungan.

Ang mga bakwit ay nasa mga ligtas ng lugar sa bayan ng Datu Montawal at Pagalungan Maguindanao.

Agad namang namahagi ng tulong sa mga sibilyang lumikas sina Datu Montawal Mayor Datu Otho Montawal at Vice-Mayor Datu Vicman Montawal.

Sa ngayon ay nagdagdag pa ng pwersa ng militar at pulisya sa bayan ng Datu Montawal na siyang mangangalaga sa mga bakwit habang kumilos na rin ang pamunuan ng MILF para mapahupa ang gulo.