Aabot sa 500 pamilya ang nasagip matapos ma-trap sa baha kasunod ng pag-apaw ng tubig mula sa ilog bunsod ng pagpapakawala ng tubig sa Angat at Ipo dam bunsod na rin ng tuluy-tuloy na pag-ulan sa Norzagaray sa lalawigan ng Bulacan.
Ayon kay Norzagaray Mayor Ma. Elena Germar, ang mga binahang lugar ay ang mga komunidad sa riverside sa Barangay Poblacion, Matictic, San Mateo at San Lorenzo.
Simula pa kasi kahapon, nagsimulang magpakawala ng tubig ang Angat at Ipo dam.
Nitong umaga naman ng sabado, tatlong gates ng Angat dam ang binuksan na aabot sa 8.5 meters habang sa Ipo dam naman ay anim na gates ang binuksan na nasa 9.2 meters.
Tuly-tuloy naman ang rescue operations ng miyembro ng Norzagaray recue team sa mga residente sa mga binahang lugar.
Nagpaabot na rin ng relief goods ang lokal na pamahalaan sa mga inilikas na pansamantalang nasa evacuation centers.