Dagdag pang mahigit 500 mga traditional jeepneys sa apat na ruta sa Metro Manila ang pinayagan na rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) simula sa Biyernes, Oktubre 30.
Batay sa Memorandum Circular (MC) 2020-064 nasa 507 na mga traditional public utility jeepneys (TPUJ) routes ang papasada sa mga susunod na ruta:
- T266 Parang – Recto
- T267 Parang – Stop & Shop via Aurora Blvd.
- T268 Recto – SSS Village via Aurora Blvd., Espana Blvd.
- T3171 Libertad – Pinagbarilan
Nagpaalala namana ng LTFRB na maaaring bumiyahe lamang ang mga roadworthy public utility vehicles (PUVs) na may valid at existing Certificate of Public Convenience (CPC) o Application for Extension of Validity, at kinakailangang nakarehistro sa Personal Passenger Insurance Policy ang bawat unit sa mga rutang nakapaloob sa MC.
Liban nito, kapalit ng special permit (SP) ay mayroong QR Code na ibibigay sa bawat operator na dapat ilagay sa short bond paper at ipaskil sa PUV.
Aniya mada-download ang QR Code mula sa official website ng LTFRB (https://ltfrb.gov.ph/).
Binigyang diin naman ng LTFRB na walang ipatutupad na taas-pasahe sa mga naturang TPUJ, maliban na lang kung ipinag-utos ito ng ahensiya.
Samantala, istrikto pa ring ipapatupad ang mga sumusunod na “7 Commandments” sa lahat ng pampublikong transportasyon basi na rin sa rekomendasyon ng mga health experts. Ito ang palaging: 1) Magsuot ng face mask at face shield; 2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono; 3) Bawal kumain; 4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga PUV; 5) Laging magsagawa ng disinfection; 6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19 sa pampublikong transportasyon; at 7) Laging sundan ang panuntunan sa physical distancing (“one-seat apart” rule).
Nagbanta rin ang LTFRB sa mga TPUJ na sundin ang mga patakaran ng ahensya.
Ang sinumang mahuli na lalabag sa mga probisyon ng MC ay papatawan ng kaukulang parusa, tulad ng pagmumulta at pagkatanggal ng kanilang ng CPC o PA.
Una rito, narito ang bilang ng mga ruta na binuksan sa loob at labas ng Metro Manila at bilang ng mga PUV na bumabiyahe sa mga ruta simula nang ipatupad ang general community quarantine noong Hunyo 1, 2020:
- TRADITIONAL PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ)
Bilang ng mga rutang binuksan: 336
Bilang ng authorized units: 29,227 - MODERN PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ)
Bilang ng mga rutang binuksan: 48
Bilang ng authorized units: 865 - PUBLIC UTILITY BUS (PUB)
Bilang ng mga rutang binuksan: 34
Bilang ng authorized units: 4,447 - POINT-TO-POINT BUS (P2P)
Bilang ng mga rutang binuksan: 34
Bilang ng authorized units: 387 - UV EXPRESS
Bilang ng mga rutang binuksan: 98
Bilang ng authorized units: 4,327 - TAXI
Bilang ng authorized units: 20,964 - TRANSPORT NETWORK VEHICLES SERVICES (TNVS)
Bilang ng authorized units: 25,068 - PROVINCIAL PUBLIC UTILITY BUS (PUB)
Bilang ng mga rutang binuksan: 14
Bilang ng authorized units: 305 - MODERN UV Express
Bilang ng mga rutang binuksan: 2
Bilang ng authorized units: 40