-- Advertisements --
https mb.com .ph wp content uploads 2022 09 104074

May kabuuang 500 persons deprived of liberty (PDL) sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City at sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City ang inilipat sa Davao Prison and Penal Farm ( DPPF) sa Davao del Norte.

Sinabi ng Bureau of Corrections (BuCor) na ang paglipat sa mga bilanggo ay alinsunod sa patuloy nitong programa para ma-decongest ang NBP.

Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. sa taong 2028 ay isasara na ng BuCor ang New Bilibid Prison.

Kasama sa mga inilipat sa Davao Prison and Penal Farm ang 114 PDL mula sa maximum security compound, 36 mula sa medium security compound, at 300 mula sa Reception and Diagnostic Center ng NBP, at 50 mula sa Correctional Institution for Women.

Ayon kay Catapang, ang ginagawa ng kawanihan ay dinadala ang mga inmates sa colony upang tumulong sa food production at food security.

Aniya, ang mga bahagi ng malawak na lupain ng Davao Prison and Penal Farm ay inuupahan ng isang agricultural company.

Ang mga PDL ang siyang nagtatanim ng mga saging sa nasabing kumpanya.