-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Mananatili muna sa tatlong magkaibang evacuation centers ang nasa tinatayang 500 indibidwal o mahigit-kumulang 100 pamilya na bahagi ng mga puwersahang lumikas sa mas ligtas na lugar mula sa Purok 6, Brgy Gregorio Pelaez, Gitagum, Misamis Oriental.

Ito ay matapos itinuloy pa ng Philippine National Police (PNP) ang pagtugis ng suspected rebeldeng New People’s Army na nagambala ng kanilang pangre-recruit ng ilang mga sibilyan na umano’y sumama sa kilusan na mag-alsa laban sa gobyerno.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Misamis Oriental Police Provincial Office spokesperson Lt Thefratus Pia na kasalukuyang naka-house ang mga apektadong residente sa evacuation centers na nakabase sa mga barangay ng Cogon, Ela-o at Garcia sa nabanggit na bayan.

Inihayag ni Pia na kapwa na rin kumikilos ang civilian governments ng munisipyo at ang mga personahe ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office alinsunod sa agad na katuusan ni Misamis Oriental Gov Bambi Emano na maasikaso ang mga apektadong residente.

Dagdag ng opisyal na isa ring kasamahan nila na pulis ang sugatan subalit daplis lamang ng maganap ang pangalawang engkuwentro nitong Martes ng umaga.

Naniniwala rin ang Gitagum Police Station at Sek kend 2nd Provincial Mobile Force Company na mayroong mga sugatan sa panig ng mga armado bagamat sapilitan na dinala pagtakas dahilan na nagpapatuloy ang pursuit operations.

Naka-abang na rin ang tropa ng 1st Special Forces Batallion ng AFP sa entrance at exit area ng western side ng Misamis Oriental upang pigilan ang pagtakas ng mga rebelde o kaya’y mayroong magbigay augmentation.