Naipa-take down na ng mga kinauukulan sa social media giant na Meta ang aabot sa 500 social media account napag-alamang nauugnay sa ilegal na bentahan ng mga sanggol online, ayon sa Department f Justice.
Sa gitna ito ng nagpapatuloy na pagsusumikap ng mga otoridad na tugusin ang lahat ng mga salarin na sangkot sa ilegal na online selling na mga sanggol bilang bahagi ng layuning tuluyan nang sugpuin ito.
Ayon Kay Justice Spokesperson, Asec. Mico Clavano, ang naturang bilang ng mga Social Media account na Naipa-take down na hindi pa sapat.
Ito aniya ay sa kadahilanang napakarami pa rin na mga social media account na gumagawa rin ng kaparehong ilegal na aktibidad.
Aniya, kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ang cybercrime division ng DOJ Sa Palasyo ng Malakanyang, habang ang National Bureau of Investigation, maging ang Inter-agency Council Against Trafficking ay nakikipagtulungan na rin sa Social media giant na Meta ukol dito.
Samantala, kasabay nito ay nanawagan din ang ahensya sa Meta na sana ay magkaroon pa aniya ito ng mas maraming mga inisyatiba, programa, at mekanismo upang tiyakin ang pagpapatupad ng proteksyon ng mga kabataan online.