-- Advertisements --
college students PH

Aprubado sa unang pagdinig ang House Bill 6542 o ang Act Providing fresh graduates of Philippine tertiary education, universities colleges and training institutions, of a one-time cash grant of 5,000 upang magamit sa kanilang job application o kaya sa initial employment.

Layunin nito na hikayatin ang mga fresh graduates na maging parte ng workforce lalo na’t kinakailangan ang mga mang gagawa ngayon, kahit sa maliit na halaga umano ay maaari rin itong magamit upang makapagsimula ng micro business.

Samantala, upang makapag avail ng nasabing cash assistance, kinakailangan lamang ng kopya ng diploma o valid proof of graduation na ipapakita sa ahensya ng gobyerno.

Kinakailangan na ito ay may patunay ay permado ng authorized personnel ng institusyon.

Ayon naman sa Commission on Higher Education, halos nasa 345,000 ang mga nagsipagtapos mapa private o public educational institution man noong academic year 2020-2021.