-- Advertisements --

Halos 5,000 doses ng coronavirus vaccine ang inireserba para sa mga minimum wage earners at overseas Filipino workers (OFWs) kasabay nang paggunita sa Araw ng mga manggagawa sa May 1.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang suhestyon na pamamahagi sa halos 5,000 COVID-19 vaccine sa lahat ng minimum wage earners at mga OFWs na kasali sa A4 vaccination group sa unang araw ng Mayo.

“The Inter-Agency Task Force on Tuesday, April 27, 2021, approved the request of the Department of Labor and Employment (DOLE) for 5,000 doses of Covid-19 vaccine to be used during the symbolic inoculation ceremony of minimum wage workers and overseas Filipino workers under Priority Group A4 on May 1, 2021,” saad ni Roque.

Inatasan umano ng IATF ang Department of Labor and Employment (DOLE) gumawa ng master list para tiyakin na magiging pantay ang pamamahagi ng bakuna.

Inaprubahan na rin aniya ngIATF ang proposal na isali sa A4 category ang mga frontliners sa Kongreso.

Ang pagkakasama raw kasi ng mga ito sa A4 list ay nagpapakita nang pagkilala ng IATF sa critical at dispensable role ng mga ito sa laban kontra COVID-19 pandemic.

Batay sa inaprubahang listahan ng IATF, ang mga sektor na kabilang sa A4 group ay ang mga sumusunod.

  • Commuter transport (land, air, and sea), including logistics;
  • Public and private wet and dry market vendors;
  • Frontline workers in groceries, supermarkets, delivery services;
  • Workers in manufacturing for food, beverage, medical and pharmaceutical products;
  • Frontline workers in food retail, including food service delivery;
  • Frontline workers in private and government financial services;
  • Frontline workers in hotels and accommodation establishments;
  • Priests, rabbis, imams, and other religious leaders;
  • Security guards/ personnel assigned in offices, agencies, and organizations identified on the list of priority industries/sectors;
  • Frontline workers in private and government news media;
  • Customer-facing personnel of telecoms, cable and internet service providers, electricity distribution and water distribution utilities;
  • Frontline personnel in basic education and higher education institutions and agencies;
  • OFWs, including those scheduled for deployment within two months;
  • Frontline workers in law/justice, security, and social protection sectors;
  • Front-line government workers engaged in the operations of the government transport system, quarantine inspection;
  • Worker safety inspection and other Covid-19 response activities;
  • Frontline government workers in charge of tax collection, assessment of businesses for incentives, election, national ID, data collection personnel;
  • Diplomatic community and Department of Foreign Affairs (DFA) personnel in consular operations; and
  • Department of Public Works and Highways personnel in charge of monitoring government infrastructure projects.

Una nang sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na kinakailangang mag-issue ng certificates of A4 eligibility ang mga establoshments, agencies at organizations para sa kanilang mga empleyado na saklaw ng nasabing kategorya.

Hinihikayat din nito ang pagkakaroon ng logistics support, tulad na lamang ng transportasyon, upang manguna sa pagbabakuna ng kanilang mga empleyado.