TACLOBAN CITY – Sinimulan na ng Northern Samar provincial government ang evacuation sa kanilang mga residente kasunod ng pag-landfall ng bagyong Ambo ngayong araw.
Ayon kay John Allen Berbon, tagapagsalita ng Northern Samar provincial government, inaasahang aabot sa 5,000 mga pamilya na nakatira sa mga low lying at coastal areas ang inilikas papunta sa mas ligtas na mga lugar.
Sinisiguro naman daw ng provincial government na masusunod pa rin ang mga health protocols sa paglikas sa mga residente partikular na ang pag-obserba sa physical distancing at pagsusuot ng face masks, dahil pa rin sa banta ng COVID-19.
Sa ngayon ay naka-preposition na raw sa limang division ng Northern Samar ang mga relief goods para sa mga apektadong mga residente.
Maliban rito ay nakahanda na rin ang mga heavy equipment na pwede gamitin sa clearing operations kung sakaling magkaroon ng grabeng pinsala.