-- Advertisements --

Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang kahilingan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na 5,000 doses ng COVID-19 vaccine para sa symbolic inoculation ceremony ng minimum wage workers at overseas Filipino workers (OFWs) na nasa Priority Group A4 sa Mayo 1, Araw ng Paggawa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, inaatasan ang DOLE na gumawa ng masterlist para matiyak ang patas na representasyon ng labor sector sa nasabing seremonya.

Samantala, kabilang na sa rin sa Priority Group A4 ang mga frontliners ng Kongreso bilang pagkilala sa kanilang kritikal na papel sa paglaban ng COVID-19 pandemic.

Una ng isinama ng IATF sa Priority Group A4 ang mga nasa sektor ng transportation, markets, manufacturing, government services, hotels, education at media.