Kinumpirma ng Department of Health na dumating na sa bansa ang kalahating milyong doses ng pentavalent vaccine .
Ito ay nakatakdang gamitin sa routine vaccination program ng ahensya para sa mga bagong silang na sanggol at mga bata .
Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, layon nito na mapigilan ang muling pagkakaroon ng pertussis outbreak sa bansa.
Ang mga pentavalent vaccines ay nagpoprotekta laban sa limang potential killers in infection kabilang na ang diphtheria, tetanus, pertussis, hepatitis B, at Hib.
Inaasahan naman ng DOH ang karagdagang 750,000 doses ng bakuna sa susunod na linggo.
Nabatid na ang mga mga bakunang dumating sa bansa ay nakalagay na ngayon sa cold storage ng ahensya.
Paliwanag ni Herbosa ,titiyakin ng DOH na ang lahat ng mga dosis ay makakarating sa mga health center ng gobyerno sa lalong madaling panahon.
Kung maaalala, sa unang bahagi ng taong ito, ang bansa ay nakapagtala ng pagtaas ng mga kaso ng pertussis na umabot sa humigit-kumulang 300 kaso bawat linggo.
Sa nakalipas na dalawang buwan, sinabi ng DOH na humigit-kumulang 50 kaso ng pertussis ang naitala kada linggo.
May kabuuang 3,827 na kaso ng pertussis ang naitala mula Enero 1 hanggang Agosto 17.
Ito ay mas mataas kumpara sa 291 na mga kaso ng pertussis na iniulat sa parehong panahon noong nakalipas na taon.