-- Advertisements --
CEBU CITY – Sentro nang pagbabalik tanaw sa ika-500 na anibersaryo at pagdating ni Ferdinand Magellan sa Cebu City ang isinagawa sa Plaza Hamabar sa Cebu Metropolitan Cathedral sa pamamagitan ng wreath-laying ceremony nitong araw.
Nagbigay ng mensahe rin si Cebu City Vice Mayor Michael Rama at nagpasalamat dahil sa malaking papel sa kasaysayan ni Rajah Humabon.
Plano ring magpasa ng resolusyon si Rama sa Cultural and Historical Affairs Commission na ipagdiwang kada taon tuwing Abril 7 bilang pagbibigay pugay kay Rajah Humabon.
Dagdag pa ng vice mayor, napakaimportante ito sa kasyasayan ng siyudad dahil sa nakaraang taong 1521, Abril 7, unang isinagawa ang blood compact nina Rajah Humabon at Magellan.