CEBU CITY — Tinanggap ng 100 “faithful Catholics” ang sakramento ng kumpil sa isinagawang confirmation rites sa National Shrine of St. Joseph, sa lungsod ng Mandaue, Cebu.
Kasabay ito ng mga triduum celebrations sa pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristyanismo sa Pilipinas kung saan dinaluhan ito ng ilang mga obispo mula sa iba’t ibang lugar sa rehiyon.
Pinangunahan nina Palo, Leyte Archbishop John Du, Cebu Archbishop Jose Palma, at Auxiliary Bishop Medyphil Billiones ang pagkukumpil sa 100 mga Katoliko mula sa iba’t ibang parokya sa Cebu.
Sinunod naman ang ilang mga health and safety protocols sa nasabing selebrasyon gaya ng limitadong bilang ng mga bisita at gumagamit ang mga arsobispo ng bulak upang ipahid ang Oil of Chrism sa noo ng mga “faithful Catholics.”
Ayon sa naging homily ni Archbishop Du na kailangang ipalaganap ang pananalig sa Diyos ngayong nabiyayaan ang mga ito ng Espiritu Santo.
Dagdag pa nito gawing inspirasyon ng mga nabigyan ang nasabing sakramento upang ituloy ang kanilang misyon bilang bahagi ng pamilya ni Kristo.