-- Advertisements --
Hindi bababa sa 501 larawan ng Batang Hesus ang naka-display sa isang exhibit sa Pasay City bilang pagdiriwang ng Fiesta del Sto. Niño.
Binuksan ni Mayor Imelda Calixto-Rubiano at ng Congregacion del Nombre de Jesús Inc. ang exhibit sa Pasay City Astrodome noong Huwebes.
Ang exhibit ay bukas sa publiko hanggang Enero 26.
Tuwing alas-7 ng gabi, gaganapin sa venue ang isang novena mass.
Samantala, sa Enero 27 naman ay magkakaroon ng fiesta mass dakong alas-5 ng hapon. Ito ay susundan ng isang engrandeng prusisyon sa Enero 28, bilang pagtatapos ng kapistahan.
Magsisimula ang prusisyon sa harap ng city hall at magtatapos sa Star City.