BUTUAN CITY – Isinagawa kahapon sa Bood Promontory and Eco-Park sa Brgy. Pinamanculan nitong lungsod ng Butuan, ang Easter Sunday Commemorative Mass.
Ito’y bilang selebrayson ng Pilipinas sa ika-503 na anibersaryo ng first mass o unang misa ng simbahang Katolika dito sa Pilipinas pagdating ng Spanish expidition sa pangunguna ni Portuguese explorer Ferdinand Magellan.
Ayon kay Fr. Joesilo Amalla, ang historic-cultural reseacher ng Diocese of Butuan, base sa mga ebidensyang kanilang nakuha mula sa manuscript ni Venetian explorer Antonio Pigafetta, isinagawa ang unang misa sa Mazawa island dito sa Butuan at hindi sa Limasawa, Leyte na syang nakasaad sa Philippine History.
Matatandaang binuksan noong Marso a-7, 2018 ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP ang isyu kung saang lugar isinagawa ang unang misa sa Pilipinas, sa pamamagitan ng pagbuo ng komite na syang nagdinig sa nasabing isyu.