Nakatakdang ipagpatuloy ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa susunod na linggo ang pay-out ng financial assistance sa 50,000 overseas Filipino workers (OFWs) na apektado ng pandemya.
Sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) chief Hans Leo Cacdac na iniutos ni Labor Secretary Silvestre Bello na maglabas ng paunang PHP500 milyon para bayaran ang mga aplikante ng Abot-Kamay ang Pagtulong (AKAP), isang one-off na tulong pinansyal na ibinibigay sa mga OFW nagkakahalaga ng PHP 10,000.
Gayunman, sinabi ni Cacdac na ang makikinabang ay ang mga manggagawang may nakabinbing aplikasyon o ang mga hindi pa nakatanggap ng tulong.
Samantala, iniulat din ng DOLE na may kabuuang 78,835 na aplikasyon para sa CAMProgram ang natanggap mula sa mga kumpanyang apektado ng deklarasyon ng Alert Level 3 sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.
Sa bilang na 30,333 ang naaprubahan habang ang mga handa para sa disbursement sa payroll ng mga benepisyaryo ay mahigit 17,000.
Ang mga benepisyaryo ng CAMP ay makakatanggap ng isang beses na tulong pinansyal na nagkakahalaga ng PHP5,000