-- Advertisements --
image 150

umabot pa sa 50 million ang bilang ng mga masasayang na bakuna kontra COVID-19 sa katapusan ng Marso ayon sa Department of Health (DOH).

Sa pagdinig sa Senate blue ribbon, kinumpirma ito ni DOH officer in charge Ma. Rosario Vergeire sa pagtatanong ni Senator Francis Tolentino kabilang ang mga bakunang nagpaso na 4.36 million doses ng Pfizer noong katapusan ng Pebrero.

Gayundin, sinabi ng DOH official na maaaring tumaas pa ang bilang ng masasayang na bakuna sa mga susunod na buwan sa mahigit 60 million dahil na rin sa vaccine hesitancy bagamat patuloy sa pagsisikap ang kagawaran para mapataas pa ang vaccination coverage.

Mayroong nasa 3 million doses ng Pfizer para sa mga bata ang nakatakdang magpaso ngayong Marso at sa Abril. Gayundin ang 2.16 million Sinovac doses na magpapaso sa Setyembre at Oktubre.

Ayon pa kay Vergeire na nasa 6.9 million bakuna ang kasalukuyang naka-quarantine habang inaantay pa ang approval para sa pagpapalawig ng shel life ng mga ito mula sa vaccine manufacturers at Food and Drugs Asministration (FDA).

Noong nakalipas na taon, ibinunyag ng DOH na nasa 44 million doses ng bakuna kontra covid-19 ang nasayang dahil nagpaso na at operational wastage.