-- Advertisements --
Nahigitan na ng 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) ang kanilang P800 milyon na target na gross ticket sales.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nanguna ang pelikulang “And The Breadwinner is.. ” na kumita ng P400-M ticket sales, na sinundan ng “Green Bones” at “the Kingdom.
Sinabi ni MMDA chair at kasalukuyang MMFF overall chairman Atty. Don Artes na nag-level up na ang standard ng taunang festival kung ang pag-uusapan ang kalidad ng entries at napaganda pa ito sa muling pagbuhay ng Student Short Film Festival.
Patuloy din ang kanilang gagawing panghihikayat sa mga local entertainment industry na gumawa lalo ng mas de kalidad na mga pelikula.